Ngaya-an, Ben

Kasaysayan ng Simbahang Episkopal sa Pilipinas, 1898-1917 / : pagbabalik-tanaw sa unang dalawang dekada ng Episkopalyanismo sa Pilipnas / Ben Ngaya-an. - Diliman, Quezon City : University of the Philippines, c2007. - iv, 208 leaves; 27 cm.

Bilang pagtupad sa huling pangangailangan upang makamit ang titulo sa M.A. Kasaysayan Thesis (M.A.History)-University of the Philippines

Pangmasteral na Tesis para sa Programang Gradwado ng Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya

" Ang kasaysayan ng Episcopal Church in the Philippines (ECP), 1898-1917: Pagbabalik tanaw sa Unang Dalawang Dekada ng Episkopalyanismo sa Pilipinas" ay naglalahad ng kasaysayan ng pagpupunla at paglaganap ng episkopalyanismo dito sa Pilipinas. Sang-ayon sa pamagat, binibigyan ng pansin ang mga nangyari sa unang mahigit kumulang na dalawampung taon na nagsilbing panahon ng pagpupunla at pagpapalawak ng simbahang episkopal dito sa Pilipinas. Isinasaalng-alang ang mga samu't saring salik na nakatulong sa pagdating ng episkopalyanismo dito sa Pilipinas, at ang kanyang paglaganap mismo sa mga piling lugar sa bansang ito. Binibigyan din ng diin ang mga patakaran, estratehiya, at iba pang salik na nag-iwan ng malalim na impluwensiya sa simbahang episkopal dito sa Pilipinas at kasalukuyang umaapekto pa rin sa buhay ng Episkopal Church in the Philippines (ECP) kahit na naging autonomous na ito noong 1990.


Philippine Episcopal Church--History

Th / .N43 2007